2 bayan sa Lanao del Norte, isinailalim sa Comelec control

2 bayan sa Lanao del Norte, isinailalim sa Comelec control

April 24, 2022 @ 12:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dalawang bayan sa Lanao del Norte ang nadagdag sa mga lugar na isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections, ayon sa Philippine National Police.

Sabi ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos ang dalawang bayan ay kabilang na sa listahan ng 105 bayan at 15 lungsod na itinuturing na election areas of concern na nasa ‘red category.’

“Ang latest ‘yung dalawang lugar sa Lanao del Norte na inilagay sa Comelec control. Dalawang bayan. Under na po ng Comelec, we’re preparing all the security forces needed in these areas. So may movement kami ng replacement ng personnel para ma-maintain ‘yung ating pagkakaron ng balance at saka non-partisan stand ng ating mga PNP,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10481, nakasaad ang kung makakaapekto sa paglulunsad ng halalan ang peace and order situation sa isang lugar, maaari itong ilagay ng Comelec En Banc sa kanilang kontrol at pangangasiwa,

Samantala, ayon kay Carlos, nakapag-deploy na sila ng regional special operations task group sa 115 election areas of concern na subject pa sa validation ng poll body.

Dalawang aktibong private armed group naman ang posibleng manggulo sa eleksyon na kapwa nasa Mindanao.

Sa kabila nito, tiniyak ng PNP chief na handa ang kapulisan sa darating na halalan sa Mayo 9.

“Okay na po ‘yung preparations. Now we’re just going to monitor, supervise, and give directions to the line units sa mga specific na nangyayari from now hanggang Election Day. Ready na po kami, nakita ko ‘yung mga preparations. Ang amin pong ginagawa ngayon ay aming practicing and preparations for any contingency after May 9,” dagdag ni Carlos. RNT/ JCM