2 beauty queen, may nilinaw sa title switching sa Bb. Pilipinas!

2 beauty queen, may nilinaw sa title switching sa Bb. Pilipinas!

August 6, 2022 @ 11:48 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi pa rin humuhupa ang isyung nagkaroon umano ng title switch sa nakaraang 58th edition ng Binibining Pilipinas.

Pero pinabulaanan na ito ng isa sa dalawang pageant host na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Maging ang tumayong judge, herself a past winner na si Precious Lara Quigaman categorically said, “There were no mistakes.”

Alamin what the other beauty queens have to say.

Ano kaya ang masasabi nina Miss Universe Philippines 2012 Ariela Arida at MUP 2014 MJ Lastimosa?

Hear them out as they grace this Saturday’s episode of Sarap Di Ba?

Joining them ay ang kanilang royal counterparts, ang mga itinuturing na mga hari sa live online selling na Martinez brothers na sina John Sean at Kerwin.

Magpapakitang gilas muna sina John Sean at Kerwin ng isang indakable na Tiktok dance.

Tables are turned later in the show dahil magbebenta live ang magkapatid sa loob ng isang minuto.

Sina Ariela at MJ ang magsisilbing judge kung sino sa magkapatid ang mas bonggang magbenta.

All this and more on your favorite weekend show, ang Sarap ‘Di Ba?! Ronnie Carrasco III