2 bebot inireklamo ng estudyante sa pananakot

2 bebot inireklamo ng estudyante sa pananakot

November 18, 2022 @ 4:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Timbog ang dalawang bebot sa entrapment operation sa isang fastfood chain matapos ireklamo ng 32 anyos na estudyante sa Maynila.

Batay sa report ng Manila District Anti- Cybercrime Team ( MDACT), ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nag-ugat sa reklamo ng biktima na may Facebook account na “Louisse Castillo” kung saan tinatakot siyang ipakakalat sa social media ang mga pribadong larawan at usapan sa pagitan niya at ng kanyang girlfriend.

Hiningan din umano ang biktima ng P20,000 upang mahinto ang pagpapakalat sa nasabing mga larawan.

Nagkasundo ang mga suspek at biktima na magkita sa Jollibee Vito Cruz sa Malate Maynila kung saan sila naaresto habang hawak ang boodle money na P19,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009, Sextortionbat Grave Coersion na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang dalawang babae na itinago lamang sa pangalang Maribelle at Paula. Jocelyn Tabangcura-Domenden