2 bebot, kelot nabulabog sa drug session sa Malabon

2 bebot, kelot nabulabog sa drug session sa Malabon

June 2, 2022 @ 12:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Shoot sa loob ng rehas na bakal ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot matapos mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Malabon City, kaninang madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek bilang sina Bayan Reyes, 36, Abegail Jervoso, 29, vendor ng Blue Marlin St., Brgy. Longos, Jullefer Dela Cruz, 32 ng Brgy. 14 Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ayon kay Col. Barot, isang concerned citizen na nagpakilala lang sa alyas “Ana” ang personal na nagtungo sa opisina ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at i-nireport ang hinggil sa nagaganap na pot-session sa bahay ni Reyes sa Block 3, Lot 65, Phase 2 Area C, Brgy. Longos, Malabon City.

Agad inatasan ni PLT. Alexander Dela Cruz si PSSg Edison Dela Cruz na pangunahan ang isang team ng SDEU saka puntahan ang naturang lugar para i-validate ang naturang ulat.

Pagdating sa naturang lugar dakong alas-4 ng madaling araw, naaktuhan ng mga operatiba sa loob ng naturang bahay ang mga suspek na sumisinghot ng shabu nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat transparent plastic sachets na naglalaman ng abot 6.8 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P46,240.00 at ilang drug paraphernalias.

Ani PSSg Jerry Basungit, nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura