2 bebot sa Maynila timbog sa P1.3M drug sting

2 bebot sa Maynila timbog sa P1.3M drug sting

February 6, 2022 @ 9:00 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang babae matapos makuhanan ng P1,360,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang joint buy-bust operation ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Maynila noong Miyerkules, Pebrero 2.

Kinilala ng MPD Police Station 3 ang mga suspek na sina Santa Aguilar, 34, at Noria Marcelino, 38, na naaresto dakong alas-5 ng hapon. sa Rizal Avenue sa Barangay 307, Zone 30, Sta. Cruz.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang itim na eco bag na naglalaman ng sinasabing shabu, isang shoulder bag na naglalaman ng samu’t saring identification card, isang telepono at pulang paper bag na may buy-bust money.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Aguilar at Marcelino at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.” RNT