2 bebot tiklo sa P9.5M party drugs

2 bebot tiklo sa P9.5M party drugs

July 13, 2021 @ 2:26 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kulong ang dalawang babae matapos mahulihan ng P9.5 milyon halaga ng ‘party drugs, Lunes.

Binitbit ng kawani ng Anti-narcotic Operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Captital Region (NCR) Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang nasabing mga suspek.

Kinilala ni Dir. III Christian O Frivaldo, CESE, Regional Director ng RO-NCR at Task Group Commander ng NAIA-IADITG ang mga suspek na sina Ma. Isabella Albano, 27, residente ng Quezon City; at Jessica Muñoz, 27 ng Bacoor, Cavite.

Lumalabas na ang dalawa ang siyang claimant sa foot massage na inbound parcel na naglalaman ng 5,637 piraso ng  Ecstasy (MDMA) tablets na may standard drug price ng P9,582,900.

Ang nasabing parcel ay idineklara umanong naglalaman ng “children’s toys and apparel” na galing ng Germany.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 or “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa mga suspek. Jan Sinocruz