2 bebot timbog sa shabu

2 bebot timbog sa shabu

January 13, 2021 @ 10:52 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ng Quezon City police ang dalawang babaeng tulak sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Jessa Mae Corpuz, 29 anyos; at Bernadette Ocampo, 41 anyos.

Nakumpiska ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 10 gramo na may street value na P68,000; isang asul na pouch; at buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ELM/J.Abiad


  •  
  •  
  •  

Loading...