2 Ben&Ben members, positibo sa COVID; Isabela concert, kanselado!

2 Ben&Ben members, positibo sa COVID; Isabela concert, kanselado!

June 30, 2022 @ 9:14 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Hala! Dalawa sa mga members ng bandang Ben&Ben ang tinamaan ng COVID-19. Dahil dito at na-move ang kanilang show sa Isabela mula sa July 2, na ngayon ay sa July 17 na.

Ang dalawang nembers ng band na nagka-COVID ay ang lead singer na si Paolo Benjamin Guico at ang percussionist-vocalist na si Toni Muñoz.

Sa ngayon, ang dalawang affected members ay naka-isolate at nagre-recover na.

“We’d like to announce that our July 2 show in Santiago, Isabela has been moved to July 17. Paolo Benjamin, one of our lead singers, and Toni Muñoz, our percussionist and vocalist, also tested positive for COVID-19,” sabi sa statement ng Ben&Ben.

Kung matatandaan ay nag-cancel din ang Ben&Ben ng kanilang show sa Surigao City noon nang tinamaan ng COVID-19 ang isa pang lead singer at twin brother ni Paolo na si Miguel Benjamin Guico.

Ayon kay Miguel, nagkaroon siya ng mild symptoms ng virus at nasa recovery period na, as per his Twitter post last June 25.

Sana nga ay tuluyan nang maka-recover sina Paolo at Toni, ang dalawang huling tinamaan ng COVID-19 sa grupong Ben&Ben. Joey Sarmiento