6 timbog sa pekeng driver’s license

February 2, 2023 @6:51 PM
Views: 6
MANILA, Philippines – Arestado ang may-ari ng isang printing shop at limang iba pa dahil sa pag-iimprenta at pagbebenta ng pekeng driver’s license sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Neil Jadonet, 54-taong gulang, negosyante, nakatira sa No. 1697 CM Recto Avenue, Sta. Cruz; mga tauhan niyang sina Orlando Dulay, 52; Christian Bejec, 28; Bernabe Grajo, 39; Dinalyn Coquia, 40; at Alice Braga, 30.
Pasado alas-6 kagabi, Pebrero 1 nang magkasa ng entrapment operation ang Manila Police District- Special Operations Unit, sa printing shop ng mga suspek sa may Recto Avenue.
Ikinasa ang operasyon dahil sa isang sumbong na nagbebenta ang mga suspek ng pekeng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) o mas kilala na “talahib”.
Matagumpay na nakapagpagawa at nakabili ng pekeng lisensya ang mga undercover buyer ng pulisya sa mga suspek dahilan para sila arestuhin.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang P500 marked money na ginamit sa operasyon, isang pekeng driver’s license, 2 resibo, isang mobile phone at dalawang placards na gamit para matukoy ang dokumentong gagawin nila.
Kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o mas kilala na Falsification of Public Documents sa Manila City Prosecutors Office ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden
4 na Japanese robbery suspects pauuwiin na sa susundo na linggo

February 2, 2023 @6:38 PM
Views: 16
MANILA, Philippines – Nagtutulong-tulong na ang Tokyo at Manila para ayusin ang pagpapauwi sa apat na Japanese national na sangkot sa serye ng mga pagnanakaw sa Japan.
Ito ay makaraang mahuli ang mga ito sa bansa.
Ayon sa impormasyon nitong Huwebes, Pebrero 2, sinabi na humiling na ang Japanese police ng transfer ng mga suspek mula sa Maynila kung saan sila kasalukuyang nakakulong.
Umaasa naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na masosolusyunan na ang naturang isyu bago pa ang planong pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo. RNT/JGC
Chiz duda sa paglusot ng kasalukuyang bersyon ng Maharlika bill sa Senado

February 2, 2023 @6:25 PM
Views: 15
MANILA, Philippines – Duda si Senador Francis Escudero na makalulusot sa Senado ang kasalukuyang bersyon ng panukala na bubuo sa Maharlika Investment Fund.
“I doubt it unless the economic managers get their acts together, come up with a common and unified stand,” pagbabahagi ni Escudero sa panayam ng ANC nitong Huwebes, Pebrero 2.
Nitong Miyerkules ay binusisi ng Senate panel ang naturang panukala na magtatatag sa isang sovereign wealth fund.
Nangako naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi niya mamadaliin ang diskusyon para sa MIF, sabay sabing ang kasalukuyang panukala ay nangangailangan pa ng ilang pag-amyenda.
Matatandaan na inendorso ng Kamara ang panukalang batas noong Disyembre ngunit binago pa makaraang makatanggap ng kritisismo mula sa publiko ng pangamba sa korapsyon.
Nauna nang ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagpasa sa panukala, na inihain ng kanyang anak at pinsan.
“What I can guarantee perhaps on my end would be if it will pass whether in April or March or sometime thereafter, it will not be in the shape, size, color or form that it is right now,” ani Escudero.
Sa bersyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund, magkakaroon ito ng dalawang state banks —Landbank at Development Bank of the Philippines— na magbibigay ng inisyal na P75 bilyon na pondo.
Ipinanukala rin sa Senate bill ang paglalagay ng 15-man advisory council at third-party auditor na bubusisi sa paggamit ng pondo.
Samantala, kinwestyon naman ni Escudero ang hindi pantay na alokasyon ng pwesto sa panel ng mga banko na magbibigay ng seed capital.
“They want to adapt best corporate practices, so my question is, why not make the representation in the board proportional to the capital contribution of the entities forming this corporation?” aniya. RNT/JGC
Scientific research, pakikilahok ng LGU importante sa climate change response – CCC

February 2, 2023 @6:12 PM
Views: 25
MANILA, Philippines – Inihayag ni Climate Change Commission Vice Chairperson and Executive Director Robert E.A. Borje ang kahalagahan ng scientific research at pakikilahok ng Local Government Units (LGUs) sa pagtugon sa Climate Change.
Ani Borje, mahalaga ang papel ng siyensya upang makamit ang tagumpay sa paglaban sa pagbabago at malaki ang maiaambag dito ng mga local researchers.
Para kay Borje, isang mabisang tool ang Science para makapaghanda sa magiging epekto ng climate change at malaking problema ang kakaharapin kung hindi magkakaroon ng kailangang preparasyon hinggil dito.
Sa kabilang dako, siniguro naman ni Borje na tuloy tuloy ang Climate Change Commission sa pagsisikap para makabuo ng malakas na partnership sa ibat- ibang sektor.
Samantala, ang partnership sa academe, private sector, development partners at mga relevant stakeholders na mag- uugnay sa mga siyentipiko at innovators ang magpapatupad ng climate actions. Kris Jose
Seth, naiinis pag kinukumpara kay Daniel!

February 2, 2023 @6:00 PM
Views: 22