2 binata, timbog sa pitakang rosas sa Bulacan buy-bust

2 binata, timbog sa pitakang rosas sa Bulacan buy-bust

March 8, 2023 @ 5:31 PM 3 weeks ago


Bulacan – Arestado ang dalawang binatang pinaghihinalaang tulak nang mahulihan ng iligal na droga na nasa pink coin purse sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte ((SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina Alvin Tadeo, 35, residente ng Brgy. Gumaoc East at Andrei Lacsamana, 20, ng Brgy. Santo Cristo.

Sa report ni SJDM Acting chief of police PLt. Col. Ronaldo Lumactod Jr, ikinasa ang operasyon bandang 10:30 ng gabi nitong Marso 7, sa Carissa 6, Brgy. Santo Cristo.

Ayon sa report, nabilhan ng isang sachet sa halagang P500 ang target na si Tadeo ng poseur buyer at nasamsaman pa ng limang sachet na kapwa hinihinalang shabu.

Sinasabing inaresto naman ang suspek na si Lacsamana matapos masamsaman din ng iligal na droga sa naturang lugar.

Nasa kabuuang pitong sachet shabu na tumimbang ng isang gramo, nagkakahalagang P6,800, pink coin purse at marked money ang nakumpiska sa operasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III