2 binatang dumekwat ng motor sa SJDM, sumemplang sa Caloocan, arestado!

2 binatang dumekwat ng motor sa SJDM, sumemplang sa Caloocan, arestado!

December 19, 2022 @ 3:57 PM 1 month ago


San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na dumekwat ng motorsiklo matapos sumemplang sa lungsod ng Caloocan.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Frank Madrio, 22 at Avamae Lacorte, 26 kapwa binata at residente ng Brgy. Muzon.

Sa report ng SJDM police,nangyari ang insidente bandang alas-4:30 ng madaling araw nitong Disyembre 18 sa Sitio Panaklayan, Brgy. Muzon.

Ayon sa report, naiwan ng biktimang itinago sa pangalang KR ang kanyang motorsiklo na nakasaksak ang susi sa ignition key.

Naalarma ang biktima nang marinig na umandar ang kanyang motor kaya sinilip niya ito hanggang sa makita na pinaharurot ng suspek na si Frank at angkas ang tandem na si Avamae.

Agad siyang humingi ng tulong sa kanyang amain na tumugis sa mga suspek sa direksyon ng Caloocan subalit hindi nila inabutan.

Dahil dito, humingi sila ng tulong sa mga pulis sa PCP3 na agad nagsagawa ng follow up operation kaya nahuli ang mga hunaharurot na suspek na umanoy sumemplang sa gawing Tala, Caloocan.

Nabawi ng mga awtoridad ang Honda Click 125 na nagkasira sa pagsemplang at dinala ang dalawang sugatang suspek sa Tala Hospital para sa paunang lunas.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III