2 binatilyo kulong sa panggagahasa

2 binatilyo kulong sa panggagahasa

April 3, 2022 @ 12:14 PM 3 months ago


SANTIAGO CITY, Isabela – Arestado ang dalawang binatilyong akusado sa panggagahasa matapos na maaresto ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Santiago City sa kanilang ‘Oplan Pagtugis’ sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng San Isidro at Echague.

Sa ipinarating na ulat ni Police Maj. Arnel Talattad, team leader ng CIDG-Santiago City kay PCol. Erwin Dayag, Regional Chief ng CIDG Region 2 ang dalawang akusado ay kinalalang sina PeeJay Lumang, 15-anyos at si Dexter Paringit, 16-anyos na kapwa estudyante at residente sa Barangay Ramos East, Santiago City.

Si Lumang ay naaresto sa Barangay Ramos East, San Isidro, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Nicasio Brillantes Bautista III, Presiding Judge, RTC, 2nd Judicial Region, Branch 21, Santiago City, Isabela sa kasong Rape (Art 266-A) docketed na may criminal case # 22-13484-FC na walang nirekomendang piyansa o no bail.

Naaresto rin si Paringit sa Barangay Ipil, Echague, Isabela ng isilbi ang kanyang warrant of arrrest na inisyu rin ni Presiding Judge Bautista sa kasong Rape (Art 266-A) docket na may criminal case 22-13483-FC na wala rin nirekomendang piyansa o no bail.

Batay sa pagsisiyasat ni PMaj. Talattad nakilala umano ng dalawang akusado sa social media ang biktimang 13-anyos hanggang sa magkita ang mga ito at nagkayayaan na mag-inuman.

Nang nalasing ay dito na pinagsamantalahan ang biktima.

Pinuri naman ni Col. Dayag ang pamunuan ng CIDG Santiago City Field Unit sa pagtugon sa kanyang direktibang ‘Oplan Pagtugis’ para mabigyan ng hustisya ang biktima at maprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan. Rey Velasco