2 binitay sa Saudi sa illegal na droga

2 binitay sa Saudi sa illegal na droga

November 11, 2022 @ 8:31 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Saudi Arabia nitong Huwebes, Nobyembre 10 na isinalang nila ang dalawang Pakistani national sa death penalty dahil sa pagtutulak ng heroin.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ulit na may binitay dahil sa illegal na droga sa nakalipas na tatlong taon.

Nakakuha naman ito ng pagkontra mula sa Amnesty International, kung saan ang pagbitay ay isinagawa sa Riyadh ng nasabing bansa.

Ang hakbang na ito umano ay nagpapakita ng pagiging matikas ng pamahalaan na labanan ang lahat ng uri ng droga na nagdudulot ng pagkasira ng lipunan.

Hindi na ibinigay pa ang mas maraming detalye sa paraan ng pagbitay ngunit sa mga nagdaang pagkakataon, karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo.

Matatandaan na nagdulot din ng ingay noong Marso ang ginawa ng Saudi Arabia na 81 katao ang isinailalim sa execution dahil sa terrorism-related offence.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 128 na insidente ng pagbitay ngayong taon na doble mula sa nakaraang bilang na 69 ayon sa datos ng AFP.

“This striking escalation in the country’s use of the death penalty this year reveals the true face the Saudi authorities are hiding behind the so-called progressive reforms agenda they are presenting to the world,” pahayag ni Diana Semaan, Amnesty International – acting deputy director for the Middle East and North Africa. RNT/JGC