2 binitbit sa P180K marijuana sa Navotas

2 binitbit sa P180K marijuana sa Navotas

August 10, 2022 @ 12:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasabat ng mga awtoridad ang halos P.2 milyon halaga ng illegal na droga sa dalawang drug suspects, kasama ang construction worker na kabilang sa list ng TXT JRT matapos maaresto sa buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Andrei Reyes, 22, (Pusher/Listed), construction worker ng 16 A. Cruz St., Brgy. Tangos South at Jayson Noriega alyas “Nognog”, 37, (User/Listed) ng Blk. 33, Lot 44, Phase II, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-11:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, kasama ang TMRU sa pangunguna ni PLT Gregorio Cueto, Sub-Station 2 at Intelligence Section ng buy bust operation sa B. Cruz St., Brgy. Tangos North matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng marijuana ni Reyes.

Nang tanggapin ni Reyes ang P6,000 marked money mula sa isang pulis na umakto bilang poseur-buyer kapalit ng isang transparent plastic bag ng marijuana ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Noriega na nakuhanan din ng hinihinalang marijuana.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 1500 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P180,000.00, buy-bust money na isang tunay na P1,000 at limang pirasong P1,000 boodle money, eco bag, digital weighting scale, cellphone at P500 recovered money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangrous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura