2 Cabinet meetings kada linggo, plano ni PBBM

2 Cabinet meetings kada linggo, plano ni PBBM

July 6, 2022 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magdaos ng dalawang Cabinet meetings kada linggo upang bigyan ang kanyang mga Kalihim ng “a clear picture” ng pamamaraan para tugunan ang pangunahing problema ng bansa.

“I am planning, perhaps for the next two or three weeks to accelerate the number of Cabinet meetings. Baka two a week muna ,” ayon sa Pangulo sa kanyang unang press conference sa mga miyembro ng media sa Malakanyang.

Sinabi ng Chief Executive na nais niya na maintindihang mabuti ng mga miyembro ng kanyang gabinete ang lawak ng problema at gawin ang timetable na makapagbibigay ng agarang solusyon sa mga ito.

“Hangga’t maliwanag na maliwanag na. It’s important to me that the entire Cabinet understands what it is we’re trying to do, how we’re going to do it, what the timetable is, and how it all fits together,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa niya na nais niyang siguraduhin na ang mga Cabinet secretaries ay may kani-kanyang plano at nakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Nauna rito, nagdaos naman ng kanyang unang Cabinet meeting si Pangulong Marcos kung saan kapuwa ang “immediate concerns” at “long-term concerns” ay tinalakay.

“As we attend to immediate concerns, we are also trying to streamline the government so its function is better, its function is much more efficient, and easier for the public as they have to do business, whatever business they have with the government that it is easier, simpler, safer, and more secured to do,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose