2 Chinese kulong sa puslit na P16M pekeng sigarilyo sa Bulacan

2 Chinese kulong sa puslit na P16M pekeng sigarilyo sa Bulacan

January 22, 2022 @ 10:27 AM 9 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang dalawang Chinese national sa pamumuslit ng P16 milyong pekeng sigarilyo sa isinagawang entrapment operation sa Plaridel, Bulacan, batay sa ulat.

Kinilala ang mga suspek na sina Chen Peirong at Cai Shi Chuan.

Sa ulat, lulan sila ng closed van habang binabaybay ang kahabaan ng Plaridel Bypasssa Barangay Bulihan bandang 3: 40 p.m.

Dito ay naharang sila ng mga awtoridad at nakuhanan ng Modern at Fortune cigarettes.

Nakabuntot naman dito ang dalawang trailer truck na naglalaman ng mas maraming pekeng sigarilyo.

Samantala, nakapiit na ang dalawang suspek sa CIDG custodial facility sa Malolos at makakasuhan ng paglabag sa intellectual property rights, tariff atcustoms laws, consumer act law at iba pa. RNT/FGDC