2 Chinese national na akusado ng rape, nasa kustodiya ng BI

2 Chinese national na akusado ng rape, nasa kustodiya ng BI

November 14, 2022 @ 8:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese national na inaakusahan ng rape, na umano’y upang mapigilan ang mga ito na makapagpiyansa, kasunod ng desisyon ng korte ukol sa kaso.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na sina Liu Yong, 28, at Sun Laizheng, 35, ay inaresto ng Philippine National Police (PNP) para sa rape case.

“We received a coordination letter from PNP Pasay City regarding Liu and Sun transferring their custody to us,” aniya.

Sinabi ng informed sources na ang pag-turn over ng mga pulis sa BI aliens na nahaharap sa criminal charges ay upang mapigilan sila na makapag[iyansa at pansamantalang makalaya habang nililitis sa korte ang kanilang kaso.

Inihayag ni Tansingco na nasa bansa na sina Liu at Sun mula pa 2018 at 2019.

“They are serious threat to our women and children and there is no place for these kinds of foreigners in our land,” giit ni Tansingco.

Nakaditine sina Liu at Sun sa detention center ng BI saTaguig at ipade-deport lamang kapag natapos na ang kanilang sentensya, sakaling mahatulan silang guilty sa kasong rape. RNT/SA