2 construction boy nahulog mula sa 25th floor

2 construction boy nahulog mula sa 25th floor

July 31, 2018 @ 4:06 PM 4 years ago


 

Binondo, Manila – Kapwa nasawi ang dalawang construction boy matapos magkasabay na nahulog sa pinagdudugtong na andamyo (scaffolding) mula sa ika-25 palapag sa ginagawang gusali sa Binondo, Manila iniulat ng pulisya.

Dead on the Spot ang mga biktimang nakilalang sina Joel Salazar,30; at Ricky Toledo, 25, construction worker at kapwa nakasuot ng kulay berdeng reflectorize vest at maong pants.

Base sa ulat ni Det. Richard Escarlan ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente ng bandang 8:30 ng gabi sa 25th floor ng Housy Warehouse construction site sa Madrid St. sa Binondo.

Bago ang insidente, nakita ang dalawang biktima na nagtatali ng nylon cord sa binubuong scaffolding sa naturang palapag at ilang sandali pa nang makarinig ng magkasunod na kalabog sa groundfloor.

Nang tingnan ng mga guwardiya nakitangnagkahiwa-hiwalaypa ang ibang parte at nalasog din ang katawan ng mga biktima na isinailalim sa awtopsiya.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang dapat managot sa insidente, dahil sa umano’y walang suot na safety belt ang dalawa. (Rene Crisostomo)