2 construction worker, timbog sa pagpuslit ng kable sa ginagawang ospital

2 construction worker, timbog sa pagpuslit ng kable sa ginagawang ospital

January 22, 2022 @ 3:49 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Timbog ang dalawang construction worker nang tangkaing magpuslit ng mga kable ng kuryente sa construction site sa ginagawang bagong Ospital ng Maynila sa Malate, Maynila.

Itinurn-over ng security officer ng construction site sa  Manila Police District-Police Station 9 ang mga suspek na sina Marlon Cibi, 33, at  Nelson Pama, 36.

Napag-alaman na alas-3:15 ng hapon nang masita ang mga suspek sa Entrance/Exit ng ginagawang Ospital kung saan tinignan ang kanilang backpack.

Dito na nadiskubre ang mga kable ng kuryente na tangkang ilabas sa site kaya agad silang binitbit ng guwardiya at safety officer ng  Unincorporated Joint Venture of Persan Construction Inc. at Frey-Fil Corporation.

Mahaharap sa kasong  qualified theft ang dalawang suspek.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)