2 cube satellites na gawang-Pinoy nakumpleto na ang misyon sa kalawakan

2 cube satellites na gawang-Pinoy nakumpleto na ang misyon sa kalawakan

August 10, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakabalik na sa mundo ang Filipino-made cube satellites Maya-3 at Maya-4 at natapos na ang misyon, ayon sa Space Technology and Applications Mastery, Innovation and Advancement (STAMINA4Space) Program nitong Martes.

Muling pumasok ang Maya-3 at Maya-4 sa atmosphere ng mundo noong Agosto 4 at Agosto 8.

Habang nasa orbit sa loob ng 10 buwan, karga ng dalawang cube satellites ang isang commercial off-the-shelf APRS-Digipeater Payload Demonstration, na nagkasa ng packet radio technology para makapag-transmit ng impormasyon sa amateur radio.

Sinabi ng STAMINA4Space Program na nag-transmit ang Maya-3 at Maya-4 ng APRS beacons sa 10 bansa, at naging matagumpay ang amateur radio operators mula sa walong bansa sa pagsend ng signal waves sa pamamagitan ng dalawang cube satellites.

“Maya-3 and Maya-4 were pivotal in the development of the local space industry. These CubeSats are experimental and educational platforms, and while all low-Earth orbiting satellites will eventually fall to Earth, what matters more are the lasting intangibles that the project brought – knowledge, skill, partnerships, and confidence that we can do it,” paglalahad ni STAMINA4Space Program leader Dr. Maricor Soriano.

“Maya-3 and Maya-4 showed that the country is capable of building satellites locally. We have successfully transferred the knowledge and know-how acquired abroad by virtue of foreign studies and proliferated those lessons locally,” ani Renzo Wee, isa sa mga inhinyero na nag-develop ng satellites.

Binuo ang Maya-3 anat d Maya-4 sa University of the Philippines Diliman sa ilalim ng STAMINA4Space Program na pinondohan ng Department of Science and Technology. Ipinatupad ang programa ng UP at ng Advanced Science and Technology Institute ng DOST.

Ipinadala sa kalawakan ang Maya-3 at Maya-4 cube satellites noong Agosto 2021 sakay ng SpaceX Falcon 9 spacecraft. Idineploy naman ito sa orbit noong Oktubre 2021. RNT/SA