2 dabarkads balik-selda sa P90K marijuana

2 dabarkads balik-selda sa P90K marijuana

December 8, 2022 @ 12:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makikipag-reunion sa kanilang dating mga kasama sa piitan ang magkabarkadang tulak at magnanakaw matapos na mahulihan ng P90,000 halaga ng marijuana sa Navotas.

Inaresto sa operasyon sa Barangay San Roque, ng lungsod sina Joshua Tenso at Johnlee Pesimo, kapwa nasa hustong gulang, at nakuhanan ng 750 gramo ng marijuana.

Ayon sa pulisya, ikatlong beses nang makukulong si Tenso ngayong taon dahil sa droga, habang si Pesimo ay napiit na noon lamang Setyembre dahil sa pagnanakaw.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2022 ang haharaping kaso ng mga dinakip. Merly Iral