2 dagdag kaso ng BQ.1 subvariant ng Omicron naitala sa bansa

2 dagdag kaso ng BQ.1 subvariant ng Omicron naitala sa bansa

December 2, 2022 @ 4:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dalawa pang karagdagang kaso ng Omicron subvariant na BQ.1 ang naitala sa bansa na nagdala na sa kabuuang bilang na 16.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang naturang mga kaso ng BQ.1 ay natukoy sa Cagayan Valley at Central Visayas base sa pinakahuling COVID-19 biosurvellaince report.

Sinasabing highly transmissible ang BQ.1 at kinokonsiderang variant of interest ng European Center for Disease Control.

May natukoy din na 536 na bagong kaso ng Omicron subvariants kasama ang dalawang kaso ng BQ.1.

Kabilang rito ang 353 kaso ng BA.2.3.20, isang kaso ng BA.4, 21 kaso ng BA.5, 133 kaso ng XBB at 28 kaso na na-tag bilang iba pang omicron sublineages.

Ang mga natukoy na bagong kaso ng subvariants ay resulta sa pinakahuling sequencing run ng Philippine Genome Center na isinagawa mula Nobyembre 21 hanggang Nobyembre 24, ayon pa sa DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden