2 dalagang ‘maria’ na wanted nadakma sa Bulacan

2 dalagang ‘maria’ na wanted nadakma sa Bulacan

December 12, 2021 @ 1:55 PM 10 months ago


Bulacan- Arestado ang dalawang dalagang wanted sa bisa ng warrant of arrest (WOA) na may magkakaibang kaso sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Ma.Cristina Dino, 28, residente ng Brgy. Muzon na Most Wanted Person City Level (4thQuarter 2021) at Ma.Charla Bijasa, 29, residente ng Brgy. Poblacion.

Sa report ni SJDM acting chief of police PLTCOL Julius Alvaro kay Bulacan Police director PCOL Manuel Lukban Jr, naaresto ang dalawang suspek nitong maghapon ng Huwebes, Disyembre 9 sa nasabing mga lugar.

Si Dino ay inaresto ng mga awtoridad sa bisa ng WOA na inisyu ni Judge  Efren Tienzo ng RTC-Branch 13,Malolos City nitong September 31,sa paglabag sa Section 4 RA 9208 as amended by RA 10364 in relation to RA 10175 and Article II of RA 9165 na walang piyansa.

Nasakote naman si Bijasa sa bisa ng  WOA na inilabas ni Judge Ryan Phillip Bartolome ng MTTC-Branch 1,SJDM,nitong December 7,2021 sa paglabag sa Article 315(1)(b) of Revised Penal Code as amended by R.A.10951.

Sinasabing kapwa natanggap ng naturang himpilan ang WOA nitong Huwebes, Disyembre 9, taong kasalukuyan.

Kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal sa SJDM Police station custodial facility ang mga dalagang wanted. Dick Mirasol III