2 dalagita nagsaoli lang ng module, ‘di na umuwi, pinaghihinalaang dinukot

2 dalagita nagsaoli lang ng module, ‘di na umuwi, pinaghihinalaang dinukot

June 7, 2021 @ 7:27 AM 2 years ago


CAGAYAN – Bagaman hindi pa kumpirmado ng mga awtoridad ang nangyari sa dalawang dalagita na kapwa 15-anyos na tatlong araw nang nawawal ay naniniwala naman ang kanilang pamilya na dinukot ang mga ito.

Kinilala ng PNP Gattaran ang dalawang dalagita na sina Josephine Manuel, mag-aaral ng Gattaran National Trade School; at si April Mae Oñate, estudyante ng Calaoagan Dakkel National High School kapwa residente ng Barangay Palagao Norte ng naturang bayan.

Ayon kay Jaymar Manuel, nakatatandang kapatid ni Josephine, Hunyo 4, 2021 nang magpaalam ang dalawang magkaibigan dadalhin nila sa kanilang paaralan ang kanilang module, subalit hanggang sa gumabi na ay hindi na ito nakabalik sa kanilang tahanan.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng imbistigasyon ang PNP Gattaran para malaman ang tunay na nangyari. Jun C. Fuentes