2 dating parak na wanted sa kidnapping ng e-sabong master agent, sumuko!  

2 dating parak na wanted sa kidnapping ng e-sabong master agent, sumuko!  

January 21, 2023 @ 2:38 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Dalawang pulis na sinibak sa pwesto na kapwa wanted sa robbery at sa kidnapping ng e-sabong master agent noong 2021 ang sumuko, ayon sa mga awtoridad.

Hiwalay na sumuko sina dating staff sergeant Darly Paghangaan at dating patrolman Rigel Brosas sa Philippine National Police (PNP) Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) nitong Jan. 19.

Noong Jan. 17, nag-isyu ang Laguna Regional Trial Court ng arrest warrant laban sa dalawa para sa krimeng kidnapping at serious illegal detention, at robbery with violence.

Sinabi ni IMEG Director General Warren De Leon na sumuko sila matapos ang serye ng negosasyon.

Nauna nang isinakdal ng Department of Justice (DOJ) sina Paghangaan at Brosas kasama ang isa pang pulis.

Nasangkot sila sa pagdukot sa sabungerong si Ricardo Lasco noong August 2021. Nagpanggap umano sila bilang operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at ninakawan pa ang pamilya ni Lasco. RNT/SA