2 dayo tiklo sa P50K damo

2 dayo tiklo sa P50K damo

July 6, 2021 @ 6:39 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Dalawang tulak na dumayo mula Quezon City ang natiklo sa buy-bust operation at nakumapiskahan ng halos P50K halaga ng marijuana sa Caloocan City

Swak sa hoyo sina Miguel Cantos y Bamtolinao, 20, istambay, ng 12 1st Ave.,Cubao, Quezon City at; Justin Merdigia y Tayco, 28, online seller, ng 38 K 8th, Brgy. West Kamias, Quezon City.

Ayon sa pulisya, nasakote ang dalawa alas-2 ng madaling-araw  noong Hulyo 5 sa C3 Road, Brgy. 49, Caloocan City makaraang inguso ang kanilang operasyon.

Nang  maberipika ang tip ay ikinasa ang operasyon laban sa dalawa na nasamsam sa kanilang pag-iingat ang aabot sa 400 gramo ng marijuana na may halagang P48,000, buy-bust money at isang puting kotse.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 haharaping kaso ng mga suspek. Merly Iral

 

Image: Representation only