2 doses ng Pfizer, AstraZeneca, epektibo kontra Delta variant

2 doses ng Pfizer, AstraZeneca, epektibo kontra Delta variant

July 22, 2021 @ 9:45 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Epektibo laban sa Delta variant ang dalawang dose ng Pfizer o AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Ito ang kinumpirma sa pag-aaral na inilathala sa New England Journal of Medicine kung saan nakitang 88% na epektibo laban sa nasabing variant ang Pfizer habang 67% ang AstraZeneca.

Pero binigyang-diin din sa pag-aaral na hindi sapat para makakuha ng mataas na proteksyon laban sa Delta strain ang isa lamang dose ng mga nasabing brand ng bakuna.

Ayon sa Public Health England (PHE), ang isang dose ng Pfizer ay mayroon lamang 36% efficacy kotra Delta variant habang ang AstraZeneca ay 30%.

“Our finding of reduced effectiveness after the first dose would support efforts to maximize vaccine uptake with two doses among vulnerable groups in the context of circulation of the Delta variant,” saad ng researchers. RNT


  •  
  •  
  •