2 drayber huli sa ‘no vax, no ride’ policy sa Muntinlupa

2 drayber huli sa ‘no vax, no ride’ policy sa Muntinlupa

January 17, 2022 @ 12:11 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nahuli ang dalawang drayber ng dyip sa Muntinlupa sa pagsisimula ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy ng  Department of Transportation’s (DOTr) ngayong Lunes, Enero 17.

Sinabing hindi umano sumunod ang dalawa sa polisiyang ipinapatupad ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) at Land Transportation Office (LTO) na hindi maaaring pasakayin ang mga hindi pa bakunado o walang dalang vaccine card.

Iginiit naman ng mga awtoridad na titiyakin nila ang mahigpit na pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa lahat ng pampublikong sasakyan partikular na sa drayber, konduktor, at mga operator.

Kasabay nito ay magpatutupad din ng 70 percent maximum passenger capacity. RNT/FGDC