2 driver patay sa pamamaril

2 driver patay sa pamamaril

January 14, 2023 @ 10:51 AM 2 weeks ago


CAMARINES SUR- Patay ang dalawang driver kabilang ang isa na napadaan lamang ay tinamaan ng ligaw na bala sa naganap na pamamaril kamakalawa ng gabi sa bayan ng Sipocot ng lalawigan ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Kirvie Amandisir, driver ng 10-wheeler truck, residente ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental at Saturnino Cruz, driver ng freezer van.

Ayon kay PCpl. Jaymar Sierra, Assistant MCAD PNCO, dakong alas-8 ng gabi naganap ang krimen sa Orlando Andaya Highway, Sipocot.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakaupo sa may driver seat para magpahinga sa minamaneho nitong truck si Amandisir ng bigla na lamang itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nagkataon naman na dumaan si Saturnino sa nasabing lugar at tinamaan ito ng ligaw na bala sa katawan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon habang dinala naman sa ospital ang mga biktima subalit idineklara na rin silang patay ng umatending doktor.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya para malamang ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran ikadarakip. Mary Anne Sapico