Malabon City – Timbog ang dalawang hinihinalang sangkot sa iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kaninanag umaga, July 5 sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police Chief Insp. Romulo Mabborang ang mga naarestong suspek na sina Jayson Veloso, 21, (pusher) ng 31 Rodriguez St. at Rizaldy Alcaraz, 24, (user) ng 211 Celia II St. kapwa ng Brgy. Bayan-Bayanan.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Aires Manansala, dakong alas 5:30 ng umaga nang isagawa ng pinagsanib na mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit, PDEA-Camanava at Police Community Precinct 5 ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa kahabaan ng Rodriguez Street.
Nang iabot na ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad dinamba ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na dami at halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money. (Roger Panizal)