2 drug suspects arestado sa P35K shabu sa Malabon

2 drug suspects arestado sa P35K shabu sa Malabon

March 2, 2023 @ 11:22 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kulungan ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Mart Melvin Baron, 33, ng Tondo Manila at Joel David, 48, electrician ng Brgy. Concepcion, Malabon.

Ayon kay Col. Daro, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Industrial Rd. corner Gov Pascual, Brgy. Potrero, Malabon City.

Agad pinosasan ng mga operatiba si Baron matapos bentahan ng P300 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover police poseur buyer, kasama si David na nakuhanan din ng sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 5.15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P35,020 at marked money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong pagpalabag RA 9165 o ang Comprehensive Dangrous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura