2 durugista, 15 anyos binitbit sa Malabon buy-bust

2 durugista, 15 anyos binitbit sa Malabon buy-bust

August 22, 2022 @ 11:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang 15-anyos na binatilyo na nasagip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek bilang sina Aldrin Lupas, 25 ng Navotas City, Mike Alegado alyas “Chukoy”, 40 ng Brgy., Tonsuya at ang 15-anyos na binatilyo ng Brgy. Longos.

Ayon kay Col. Barot, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Lapu-Lapu Ave., Brgy., Longos kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P500 halaga ng droga kay Lupas.

Nang makita ang pre-arranged signal mula sa police poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang targer, agad lumapit ang back up na operatiba saka inaresto ng suspek at binatilyo, kasama si Alegado na sinasabing parokyano ni Lupas.

Ani PSSg Jerry G Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 3.1 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P21,080 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng CSWD ang menor-de-edad. Boysan Buenaventura