2 durugista nadakma sa Malabon buy bust

2 durugista nadakma sa Malabon buy bust

January 6, 2023 @ 2:35 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang dalawang listed drug personalirties matapos madamba sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw, Enero 5.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Reynante Cruz alyas “Rey Ulo”, 43, at Ericson Duero, 37, kapwa ng Brgy. Longos ng lungsod.

Ayon kay Col. Daro, dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa pangunguna ni PSSd Edison Dela Cruz sa Hasa-Hasa St. Brgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng illegal na droga ng mga suspek.

Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover police sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu at nang tanggapin nila ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang sachet ng umano’y shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 6.5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) value Php 44, 200.00 at buy bust money. Boysan Buenaventura