2 durugista timbog sa buy-bust sa Malabon; P125K shabu nasamsam

2 durugista timbog sa buy-bust sa Malabon; P125K shabu nasamsam

August 9, 2022 @ 3:37 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasamsam sa dalawang bagong identified drug personalities ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos maaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Dr Lascano corner P. Aquino Avenue, Brgy. Tugatog.

Kaagad sinunggaban ng mga oeratiba si Jonald Buenaventura alyas “Ogag”, 42 ng Block 39, Lot 5, Kapak Saballo St., Caloocan City matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police poseur buyer.

Ani PMSg Randy Billedo, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 13.5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P91,800, marked money, coin purse at cellphone.

Dakong alas-5:30 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Pampano St., corner Langaray St., Brgy. Longos si Jayson Caparuso alyas “Ondo”, 30 ng Dagat-dagatan, Brgy. 14, Caloocan City.

Nasamsam kay Caparuso ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000 at P300 buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura