2 empleyado patay sa nahulog na SUV sa Kalinga

2 empleyado patay sa nahulog na SUV sa Kalinga

October 20, 2022 @ 7:13 PM 1 month ago


TABUK CITY, KALINGA Hanggang ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan kung ano ang tunay na dahilan ng pagkahulog sa irrigation canal ng isang Nissan Almera kung saan lulan ang dalawang empleyado na sanhi ng umano ng kanilang pagkamatay sa boundary ng Barangay Calanan at New Tanglag sa Tabuk Cty, Kalinga.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Marlon Agnaya, kawani ng Tanggapan ng Provincial Administrator at Gerald Gagelonia, nurse sa Kalinga Provincial Hospital (KPH).

Dakong alas-6 kaninang umaga nang matagpuan ang sasakyan ng mga miyembro ng 50th Infantry Battalion, Philipine Army at agad na ipinabatid sa Tabuk City Public Information Office.

Agad na nagsagawa ng retrieval operation ang rescue team mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), Kalinga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Tabuk City Police Station, Kalinga Police Provincial Office (KPPO) at Bureau of Fire Protection o BFP. Rey Velasco