2 evacuation center itatayo sa Batangas para sa bakwit ng Taal  

2 evacuation center itatayo sa Batangas para sa bakwit ng Taal  

July 10, 2021 @ 3:44 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Itatayo ang dalawang bagong evacuation centers sa Batangas na magsisilbing tirahan ng Taal evacuees,batay sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Matatagpuan  ito sa Barangay Calayaan sa Sta. Teresita at Barangay San Juan sa Alitagtag.

Pinangunahan ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario ang groundbreaking at pagpirma ng  memoranda of agreement.

Kasama rin sa ganap sina Batangas 3rd District Representative Maitet Collantes, Sta.Teresita Mayor Norberto Segunial Jr. at Alitagtag Mayor Edilberto Ponggos.

“This is a very important project, especially for Batangas, because the Taal (volcano) will always be like that. It is one of the most active volcanos in the world. Kaya itong evacuation center ay kailangang maitayo,” lahad ni del Rosario.

“I hope this building will provide shelter to evacuees for at least 50 years. So kailangan ang standard mapanatili natin.”

Sa ngayon ay nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal. RNT/FGDC