2 football club officials kulong sa madugong Indonesian football crush

2 football club officials kulong sa madugong Indonesian football crush

March 10, 2023 @ 3:51 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pagkakakulong  ang naging  hatol sa dalawang football club officials sa Indonesia dahil sa madugong stadium crush noong Oktubre na ikinasawi ng 135 katao.

Naganap ang Kanjuruhan stadium crush sa Malang, East Java ng magpakawala ng tear gas ang mga kapulisan sa mga fans na lumusob sa football field.

Nakitaan umano ng korte sa Indonesia ang organizers ng home club na Arena FC na guilty sa criminal negligence na naging sanhi ng kamatayan ng maraming katao.

Si Abdul Harris ang chairman ng home club organizing committee ay hinatulang makulong ng 18 buwan, habang nag security officer ng club na si Suko Sutrisno ay nahatulang makulong lamang ng isang taon.

Base sa ginawang pagsisiyat ng korte, bigo ang mga opisyal na maglagay ng anumang safety measures na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming fans.

Dismayado naman ang mga pamilya ng biktima ang hatol dahil unang inirekomenda ng piskalya na makulong ang mga respondents ng hanggang anim na taon.JC