2 foreign national, arestado sa pamemeke ng dokumento – BI

2 foreign national, arestado sa pamemeke ng dokumento – BI

July 30, 2018 @ 11:20 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang foreign nationals dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Frederick Buchester, 53, Liberian; at Ravinder Kumar, 30, Indian national.

Ayon kay Morente, naaresto ang dalawa sa  magkahiwalay na pagkakataon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ni BI OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, BI Port Operatives Division kay Morente, kapwa pasahero ang dalawa at  nakatakda sanang umalis ng bansa gamit ang mga pekeng dokumento.

Nabatid na nagprisinta ng pinekeng Liberian passport at Canadian visa  si Kumar na patungong Toronto.

Habang si  Buchester ay palipad naman patungong Belgium.

Dinala ang dalawa sa  BI detention facility in Camp Bagong Diwa, Taguig City “where they are still confined pending deportation proceedings,” ayon pa kay Mariñas.

Nadiskubre ng anti-fraud examiners ng BI sa NAIA na ang biopage ni Liverian at passport ni Buchesters  ay mapanlinlang.

Dahil dito agad na ipinag-utos ni Morente ang summary deportation laban sa dalawa. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)