2 fully vaxxed sa Hong Kong nasapul ng Omicron

2 fully vaxxed sa Hong Kong nasapul ng Omicron

December 7, 2021 @ 7:36 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Habang patuloy na pinag-aaralan ng mga health officials ang coronavirus disease (COVID-19) variant na Omicron, sinabi ng mga mananaliksik sa Hong Kong na natamaan nito ang dalawang fully vaccinated na indibidwal na kasalukuyang nananatili sa magkaibang silid sa isang quarantine hotel, base sa ulat.

Naglathala ang mga mananaliksik mula sa University of Hong Kong ng isang ulat kung saan nakasaad dito na hindi lumabas ng kanilang silid ang mga naturang indibidwal at maaaring nahawa sa pamamagitan ng airborne transmission nang buksan nila ang kanilang mga pinto upang kuhanin ang pagkain o COVID-19 tests, batay sa ulat ng Bloomberg. Binigyang-diin sa pag-aaralan ang “potential concern” ukol sa transmissibility nito.

Ipinaliwanag naman ng U.S. health officials nitong Linggo na habang mabilis na kumakalat ang Omicron variant sa bansa, batay sa mga inisyal na indikasyon, mas mapanganib pa rin ang Delta, na patuloy na nagpapataas sa hospitalizations.

Sinabi ni Dr. Anthony Fauci, chief medical adviser ni President Biden, sa CNN na kailangan pa umano ng higit na impormasyon ng mga siyentista bago magbigay ng konklusyon ukol sa panganib na dulot ng Omicron.

“Thus far, it does not look like there’s a great degree of severity to it,” ani Fauci. “But we have really got to be careful before we make any determinations that it is less severe or it really doesn’t cause any severe illness, comparable to delta,” patuloy pa niya. RNT/SA