2 galing San Beda College of Law, itinalaga ni PDu30 bilang CA justice

2 galing San Beda College of Law, itinalaga ni PDu30 bilang CA justice

January 28, 2022 @ 4:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nagtalaga si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng dalawa pang associate justices sa Court of Appeals, kapwa may degrees mula sa kanilang alma mater, San Beda College of Law.

Sa hiwalay na appointment letters na may petsang Mayo 24, 2021 subalit ipinalabas sa publiko, araw ng Biyernes, itinalaga ni Pangulong Duterte sina Maximo De Leon at Jacinto Fajardo, Jr., kapuwa regional trial court judges.

Si De Leon ay Makati RTC Br. 143 presiding judge habang si Fajardo naman ay presiding judge ng RTC Talisay City, Cebu Br. 66.

Nakuha ni Fajardo ang kanyang law degree mula sa San Beda University sa Maynila at pumasa sa Bar Exams noong 1985.

Habang si De Leon naman ay nagtapos ng kanyang law degree sa University of Nueva Caceres at kanyang master’s degree sa law mula sa San Beda Graduate School of Law.

Nakapasa siya sa Bar noong 1996.

Si Fajardo ay ipinanganak sa Gubat, Sorsogon noong 1955 habang si De Leon naman ay ipinanganak sa Latag, Taal, Batangs noong 1965, base sa impormasyon na ibinigay ng Supreme Court Public Information Office. Kris Jose