2 gate ng Ambuklao bukas pa rin, 1 sa Binga – PAGASA

2 gate ng Ambuklao bukas pa rin, 1 sa Binga – PAGASA

August 15, 2021 @ 10:08 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang dalawang dam sa Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bukas isang metro ang dalawang gate ng Ambuklao dam sa Benguet habang 0.50 metrong bukas ang isang gate sa Binga dam sa parehas na probinsya.

Sa huling datos, 751.55 metro ang lebel ng tubig sa Ambuklao dam na malapit na sa 752 metro normal high water level (NHWL).

Habang 574.52 metro ang lebel ng tubig sa Binga dam mula sa 575 metro NHWL.

Iniulat din ng PAGASA na patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang bansa bunsod ng Low Pressure Area (LPA) at easterlies. RNT/ELM