2 ginang huli sa pekeng vax card sa Marikina

2 ginang huli sa pekeng vax card sa Marikina

January 23, 2022 @ 3:29 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang (2) ginang sa entrapment operation sa pagbebenta ng umano’y pekeng Vaxx Card at paggawa nito sa Marikina City.

Kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng pulisya ang nadakip na sina Rovelyn Lebores y Majadas, 37 anyos ng Blk-39 Farmers 1 St., Tumana at Alma Ramirez y De Capiz, 43 snyos residente ng Blk-42 Mais St., kapwa sa lugar.

Dakong January 21, inaresto ang mga suspek sa entrapment ng mga awtoridad sa loob ng computer shop sa bike lane ng #39 Farmers 1 St., sa lungsod.

Nakumpiska ng task force greyhound sa pangunguna ni P/Lt. Michael Mase, ang ilang set ng computers na ginagamit umano ng mga suspek sa paggawa ng pekeng vaccination cards at mga pekeng kopya ng vaccination cards na ibenenta umano ng 2 suspek sa mga hindi bakunado na nagnanais magkaroon ng VAXX CARD sa halagang P250. 00 kada isa.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Capili ang publiko na huwag gumamit ng pekeng Vaxx Cards at binalaan ang mga gumagawa nito at nagbebenta na hindi titigil ang pulisya para sila arestohin para na rin umano sa kaligtasan at di mahawa o makahawa sa COVID 19.

Hindi naman nakuha ng sumulat nito ang panig ng dalawang naaresto.

Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng pulisya at sinampahan ng kasong paglabag sa Falsification of Public Documents in Relation to Sec. 12 ng RA11625. Rene Tubongbanua