2 ginang na ‘tulak’ timbog sa QC

2 ginang na ‘tulak’ timbog sa QC

June 22, 2022 @ 11:40 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang ginang na sangkot sa malawakan bentahan ng shabu matapos kumagat sa buy-bust operation kagabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director Remus Medina ang mga nadakip na sina Fatima Watamama y Betty tubong Maguindanao at Rowena Gianan y Inocencio.

Ayon kay Galas Police Station 11 commander PLTCOL Richard Ian Ang, dakong 8:40 ng gabi (June 21) nang isagawa ang drug operation sa Bayani St. Kanto ng Batanes St. Barangay San Isidro , Q.C.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa dalawa ang limang plastic sachet na naglalaman ng 105 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php714,000.00, cellular phone na gamit sa pakikipag-transaksyon sa kanilang parukyano at buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz