2 Grab driver tiklo sa shabu sa Valenzuela

2 Grab driver tiklo sa shabu sa Valenzuela

April 7, 2021 @ 1:31 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Shoot sa selda ang dalawang Grab driver na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kaninang madaling araw.

Kinilala ng Valenzuela City Police ang mga naarestong suspek na si Richard Nicolas, 42, Grab driver ng 17 E. Guniguni St., Manotoc Subd. Brgy. Baesa at Jeffrey Fermin, 38, Grab driver ng Lot 20 Summit Hills, HOA Langka St., Payatas, kapwa residente ng Quezon City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PCpl Pamela Joy Catalla, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy-bust operation laban sa mga suspek sa kahabaan ng Gen T. Road, Gen. T De Leon, ‘di kalayuan sa (Tulyahan-Ugong Bridge) kung saan nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Franciz Cuaresma na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P10,000 halaga ng droga.

Sa ulat ng pulisya, matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad inaresto ng mga operatiba si Nicolas at Fermin.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000.00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 9 na pirasong boodle money, P500 pesos, dalawang cellphones Realme at Oppo, coin purse, 3 assorted ID, itim na sling bag at isang kulay pulang Toyota Vios na may plakang (NDI1843).

Nauna rito, unang nadakip ng team 2 ng SDEU ng Valenzuela City Police ang isa pang tulak ng iligal na droga na si Rubyleen Gonzalez, 36, residente ng Phase 2, Blk.1, Lot 7, De Gula Compd., Gen T. De Leon sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa nasabing lugar.

Ayon kay PCpl Christopher Quiao, narekober ng mga awtoridad kay Gonzalez ang tatlong heat sealed transparent sachet na nasa 3 gramo at nasa P20,400 ang halaga, P500 pesos buy-bust money, P300, coin pouch at isang Vivo cellular phone.

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. R.A Marquez


  •  
  •  
  •