2 guro at kawani ng munisipyo arestado, P165K halaga ng shabu nakumpiska

2 guro at kawani ng munisipyo arestado, P165K halaga ng shabu nakumpiska

October 19, 2022 @ 12:47 PM 2 months ago


DAVAO CITY – Shoot sa kulungan ang dalawang guro na sumisinghot ng illegal na droga at isang kawani ng munisipyo matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa inilatag na buy bust operation Martes sa bayan ng Malita, Davao Occidental.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Isabel Tango at Haren Fel Tagose, kapwa public school teacher at drug den operator Rodrigo Rodriguez alyas Rolly, 68-anyos, empleyado sa Davao Occidental LGU at residente Brgy. Poblacion, Malita, Davao Occidental.

Sa pinagsamang operasyonng Malita Municipal Police at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 11, nakabili ang operatiba Rodriguez ng isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000.00.

Agad na sinalakay ng mga operatiba ang loob ng bahay na ginawang drug den at nahuli sa akto ang dalawang guro na sumisinghot ng shabu.

Narekober rin sa lugar ang 11 gramo ng shabu na aabot sa halagang P165,000; 3 pakete ng pinatuyo na dahon o marijuana; at mga drug paraphernalia.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Malita Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico