2 hanggang 3 bagyo, asahan ngayong Agosto

2 hanggang 3 bagyo, asahan ngayong Agosto

August 1, 2018 @ 2:01 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng PAGASA ngayong Miyerkules (August 1) na dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok ng bansa ngayong buwan.

Ayon kay PAGASA weather forecasting chief Robert Sawi, kadalasang tumatawid ng Gitnang Luzon ang mga bagyong pumapasok sa bansa tuwing Agosto.

Dagdag pa ng PAGASA, patuloy binabantayan ng ahensiya ang isang low pressure area sa labas ng bansa, bagamat malabo itong maging bagyo.

Gayunman, makararanas pa rin ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Occidental Mindoro, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM dahil sa habagat.

Magkakaroon naman ng bahagyang maulap na kalangitan ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol, at natitirang bahagi ng Mimaropa, Visayas at Mindanao. Remate News Team