2 helper huli humihigop ng ‘tobats’

2 helper huli humihigop ng ‘tobats’

January 15, 2023 @ 1:36 PM 2 weeks ago


ANGADANAN, ISABELA-Huli ang dalawang warehouse helper matapos mahuli ang mga ito na humihigipo ng pinaniwalaang shabu o nag po-pot session sa tabi ng Cagayan river sa Purok 4, Brgy. Calaccab dito sa nasabing bayan.

Sa ipinarating nanulat ni PMaj. Ardee Tion, hepe ng Angadanan Police Station kay PCol. Julio GO, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang mga suspek ay kinilalang sina Kim Umalla, 23 anyos, residende ng Purok 6, Brgy. Dangan, Reina Mercedes, Isabela at si E-jay Cabrera, 18 anyos, walang asawa, at residente naman ng P7 Brgy. Villa Sanchez, San Guillermo, Isabela.

Una rito, nakatanggap umano ang himpilan ng Angadanan Police Station mula sa isang konsernadong mamamayan ukol sa nagaganap na pot-session sa nabanggit na lugar.

Kung kaya’t agad nagtungo ang kasapi ng pulisya sa lugar upang kumpirmahin ang nasabing sumbong.

Bumungad sa pulisya ang isa sa mga suspek na si Cabrera na may itinapong plastic at saka ito tinapakan.

Nang siyasatin ay doon na nakita ang isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.

Nakita rin ang isa pa sa mga suspek na pasimple umanong nagtangkang itapon ang pinaggamitan na foil ngunit kalaunan’y nakitang isa pala itong improvise tooter.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng dalawang suspek ang isang (1) pakete ng sigarilyo na may kasamang lighter, tatlong (3) maliliit na heat sealed plastic sachet na may tira-tirang pinaggamitan ng hinihinalang shabu, tatlong (3) piraso ng cut aluminum foil, at dalawang (2) yunit ng cellphone.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 11 at Section 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco