2 heneral ng kapulisan iniimbestigahan sa 990 kilo ng tobats

2 heneral ng kapulisan iniimbestigahan sa 990 kilo ng tobats

October 25, 2022 @ 6:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ang dalawang matataas na opisyal ng pulisya matapos maaresto ang dalawang anti-narcotics operatives ng kapulisan at masamsaman ng halos isang toneladang shabu sa Maynila nitong unang bahagi ng buwan.

Ibinunyag ito ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. kung saan dalawang heneral umano ang iniimbestigahan dahil sa umano’y kaugnayan nila sa police sergeant na nagmamay-ari ng lending agency kung saan nasamsam ang 990 kilo ng shabu noong Oktubre 8.

Hindi naman niya ito pinangalanan.

“Itong mga opisyal ay may mga karera, pinaghirapan nila ang kanilang mga karera at kaya naman kami ay napakaingat, wala kaming binabanggit na pangalan,” ani Azurin. RNT