2 hinihinalang tulak arestado sa buy-bust

2 hinihinalang tulak arestado sa buy-bust

June 5, 2021 @ 10:40 AM 2 years ago


ILOCOS-Swak sa kulungan ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos na maaresto sa magkakahiwalay na anti- illegal drugs buy-bust  operation ng mga awtoridad sa lalawigang ito.

Bandang 8:00 ng umaga kahapon nang maaresto sa Zone 4, Bantay, Ilocos Sur  si Sanchez Tamo y Alunday, 41, may asawa, residente ng Brgy.  Naguilian, Caoayan, Ilocos Sur.

Bukod sa buy bust item na isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, nakumpiska rin mula sa suspek ang isa pang heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na P1,000.

Tinatayang may timbang na 0.3 gramo at may DDB value na P2,000 ang mga hinihinalang shabu na nakuha mula sa suspek.

Mga pasado alas nuebe naman ng umaga nang maaresto si Reynante Dollente y Sabado, 36, may asawa, residente ng Brgy. Ambucao, Santiago, Ilocos Sur.

Si Dollente ay naaresto doon mismo sa kanilang lugar.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item) at limang iba pang small heat sealed transparent plastic sachet na pawang naglalaman din ng hinihinalang shabu.

Narekober  din ang dalawang P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Tumitimbang ng humigit-kumulang na 1 gramo ang hinihinalang shabu na nakuha mula sa suspek. Rolando S. Gamoso