2 holdaper bulagta sa shootout sa QC

2 holdaper bulagta sa shootout sa QC

February 18, 2021 @ 4:17 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

QUEZON CITY – Patay ang dalawang holdaper matapos na piliin na manlaban kaysa sa sumuko sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kagabi sa nasabing lungsod.

Inilarawan ni QCPD Director PBRIG General Danilo P Macerin, ang isa sa napatay na nasa edad na 35-40, 5’4 ang taas, nakasuot na itim na jacket, itim na jag-shirt, habang ang kasama naman nito ay nasa 35 hanggang 40 anyos, 5’5 ang taas, medium built, nakasuot ng itim na jacket at itim na t-shirt.


Ayon kay Batasan Police Station 6 (PS6) commander PLTCOL Romulus Gadaoni dakong 11:50 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa Doña Nicasia St., corner Payatas Road, Brgy. Commonwealth, Q.C.

Nauna rito, bandang 8:30 ng gabi nang holdapin ng dalawa si Almeda at Cacho sa harap ng Diliman Doctors Hospital kung saan pwersahan na kinuha ng mga ito ang gamit ng mga biktima kabilang na ang motorsiklo ni Almeda na siyang ginamit para tumakas.

Pasado 11:35 naman ng gabi nang holdapin din ng mga suspek ang Mister Samgyupsal na matatgpuan sa Brgy. Batasan Hills, Q.C.

Lumalabas na isasara na sana ng may-ari na si Mary Joyce Moreno ang kanyang store nang sumulpot ang dalawa at nagdeklara ng holdap saka sapilitan na kinuha ang mahahalagang gamit nito.

Nang makarating ang impormasyon sa PS6 agad na nagsagawa ng dragnet operation ang mga ito at maswerte naaman na kanilang namantaan ang mga suspek subalit nang kanilang parahin ay pinaputukan sila nito dahilan upang gumanti naman ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Narekober sa isa sa mga suspek ang dalawang isang kalibre .38, isang sachet ng shabu, dalawang cellular phone, isang bag na naglalaman ng iba’t-ibang ID’s, cash na halangang P900 at gold bracelet habang sa kasamahan naman nito ay nakuha rin ang isang 38 Revolver, isang sling bag na naglalaman ng shabu, flashlight at tatlong bala, cellular phone, pitaka na may laman na P281.00, iba’t-ibang uri ng ID’s, kulay berde na boardwalk bag gayundin ang kinarnap na motorsiklo na Yamaha Mio.

Pinapurihan naman ni Macerin ang mga pulis na kasama sa shootout na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang holdaper gayundin ang mga biktima na agad na pinag-bigay alam sa otoridad ang insidente. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •